Kahapon napanood ko stream ni Sir Charles sa Facebook. And nag scan sya ng charts with lengthy discussion.
Sa mga di nakakaalam kung sino si Charles Lim eh sya ay isang full time trader/fund manager. Co-mentor din siya sa FACTA or the Fibonacci and Clouds Trading Academy.
Habang tumatagal ang discussion eh narerealize ko kung tama pa ba ginagawa ko. Bakit parang ang layo ng pag analayze ko kumpara kay sir charles? Dahil ba sa ilang taon na nyang karanasan at dedikasyon sa laro? o sadyang kulang pa ang aking pag aaral at hustle?. Ang galing ni sir Charles. Isa ako sa mga taga hanga nila. Pati rin kay sir Ichimoku. BTw gumagamit rin ako ng Fibonacci at Ichimoku. Sa kanila ko natutunan yan
Pero may ibat ibang perception or bias ang tao. Di tayo pare parehas. Kaya gagawin ko ang best ko na mag analyze ng malupit at more hardwork pa. At itong blog ko ang patunay na walang overnight success. More hustle to meeeeee!
Comments
Post a Comment